You are viewing [info]fhadz28's journal

Kabaliwan,Kabuluhan sa mundo ng kantahan
Kwentuhang walang ayawan...
Recent Entries 
me in love


when I fall in love.. it would be forever....

PLEASE CHECK MY NEW LIFE's HQ

www.fudge12.blogspot.com
26th-Oct-2009 11:56 am - Paano?
me in love
Hindi ko talaga maintidihan kung bakit ganun ganun nalang iwalang bahala ng iba ang mga bagay na sinasamba ko?

Sa lumipas na ilang linggo pinuno niya ng kulay ang buhay ko.. Sa totoo lang, hindi ko na nga alam kung paano ko ilulugar ang sarili ko.. Dinikdik nanaman ako ng kapalaran sa tanong na "paano mo iiwasan ang isang bagay na nagbibigay sa iyo ng walang kapantay na kasiyahan?" Paano nga ba?

Paano mo pipigilan ang nagbabagang alimpuyo ng damdaming hindi na makita ang tama sa mali?

Paano mo isisiwalat na siya ang gusto mong makasama sa haba ng buhay mo?

Paano mo mapapaniwala ang sarili mong hindi ka niya kailangan, na wala ka lang sa buhay niya, kung sa bawat text, tawag at pagpaparamdam umiikot at humihinga ang buo mong pagkatao.

Mahina ba ako kung sasabihin kong hindi ko siya pwedeng hintayin? Kasi kahit na namummutok na sa kamalian ang pagmamalang pinangakuan niya, naniniwala pa din akong kailangan nilang ipagbunyi na sila na kailangan nilang magsama, na para sila sa isa't isa....

Mahina ba ako kung hindi ko masabi sa kanyang siya ang gusto kong makasama, na siya lang ang tangi kong hiling sa bawat dasal na ibulong ko sa hangin, na siya ang nagiisang bituing kahit kelan hindi ko makakamtan...

Mahina ba ako kung sa tuwing iiyak siya dudurugin ko ng pinong pino ang lahat ng kasiyahan ko para sa kanya? na wala akong magawa sa bawat luhang sa totoo lang gusto mo nang punasan.. pero hindi pwede... dahil wala lang naman talaga ako sa buhay nila...

Paano ko ba malalampasan ang isa na namang umaatikabong tagpong sa wala din naman mapupunta..

Paano ko masasabi sa iyo na wala na kong hihilingin pa kundi ang pagsilbihan ka, sa abot ng aking makakaya, hanggang sa mga huli kong hininga... Ikaw lang ang kailangan ko, sa mundo, sa buhay kong naghihimutok sa pagmamahal sa iyo...

At para sa iyo, kahit na hindi mo kailangang malaman, na mahal na mahal kita. Na gusto kong ialay sa iyo ang lahat ng nasa akin. na gusto kitang pangakuan ng walang hanggang pagmamahal, na hindi kita iiwan, na hindi kita pababayaan tulad ng ginagawa ng taong hindi alam kung gaano siya kaswerte at ikaw ang hinirang, ikaw ang pinili, ikaw lang ang kanyang kailangan?

Kung nagkataong kaya kong humiwalay sa katawan na ito, siya ang una una kong sasaniban, para lang malaman mo ang kahulugan ng pagibig, ng pagmamahal at kung anu talaga ang karapatdapat lang para sa iyo.

Mahal kita. Mahal na nga ata talaga kita. Sa hindi ko maintindihang kahiwagaan, naglahong lahat ng taong kilala ko. at sa iyo na umiikot ang mundo ko... At hanggang ngayon nagtatanong ako, paano... Paano.. paano ko nga ba mapapaliwanag sa iyo to?
7th-Oct-2009 10:30 am - UNDERSTATEMENT OF THE YEAR
me in love
So I've told:

"Hindi pinipilit yan, hindi yan hinahanap: kusang dumarating yan maghintay ka lang"

paano kung wala na talaga? Paano kung hindi na dumating? Paano kung wala nang pagasa?

Napabuntong hininga nalang ako sa nasabi ko: "Ang tagal mo. Naiinip na ako.."
18th-Sep-2009 03:41 pm(no subject)
me in love
sa pagiwas ng pagasa sa namumulubing bata
kinahon, kinulong ang isang sirang tutong..
15th-Sep-2009 08:53 am - No Boy Friend Material
me in love
QUESTION: BF material ba ako?

ANSWER: Siguro nga no...


QUESTION: bakit ba kasi ako nagtanong?

ANSWER: Kasi tanga ka.. kala mo laging Yes ang sagot sa lahat ng bagay..


QUESTION: Anung ibig sabihin nito? Never na ako magkakagurlfriend?

ANSWER: Ganun na nga yun..


QUESTION: Don't you think its unfair, na kung sino ang marunong magmahal, kung sino ang marunong rumespeto, kung sino ang nakakaintindi ng responsibilidad siya yung mawawalan ng gurlfriend?

ANSWER: Please see question and answer number 1.

QUESTION: Eh kung ganun ede parang nawalan na ng kwenta buhay ko?

ANSWER: Please repeat answer number 2.

QUESTION: Eh punyeta naman pala! Nabuhay pa ako?

ANSWER: Kindly see Answer number 3.

QUESTION: ???

ANSWER: ...

punyeta..
14th-Sep-2009 04:32 pm - dibdibang talakayan...
me in love
Hindi ko alam kung pano sisimulan ang isang umaatikabong dibdibang talakayan..

kung sinandya ba talagang sira ulo lang ako't naghihimutok
sa hindi patas na magtrato ng mundo..
sa sistemang bulok...
sa mabaho at tumutulong tulok...

na naipon ko kahapon..
sa Araneta ng kami'y nabigo...
sa pagkakalango..
sa kinalugmukan naming mga panalo...

Hindi ko alam kung bakit ako magisa sa mundo..
o kung bakit ko iniisip na magisa na nga lang ako..
kasi nga naman ang dami naman talagang nakapaligid sa akin..
lahat sila nagsasalita..
lahat sila gumagawa...
walang oras lumingon..
lahat pikon..

kaya dito nalang ako sa sulok..
pagbabagahin ang sariling paglalayon..
na bukas simula ngayon..
kusa kong ibabangon..
ang nabasurang hamon...
dahil sa dagta ng kahapon...

sige na kahit hipon..
basta may puson..
10th-Sep-2009 10:16 am - daig pa ng..
me in love
daig pa ng durogista ang pagdurog mo sa puso ko...

daig pa ng taeng natapakan ang pagkakalapirot sa aking puso...

daig pa ng mga naninikluhod sa mga santo santo ang pagsamba ko...

daig pa ng nananawagang kaluluwang pinagkaitan ng kalangitan ang aking pagsusumamo...

na sana tayo nalang..

na sana mahal mo din ako..

tulad ng pagmamahal ko sa iyo..

tulad ng kaya kong ibigay sa iyo..

pero sadya talagang durugista ako...

baliw na baliw sa batong magdadala sa akin sa impyerno..


8th-Sep-2009 04:39 pm - Ang Pagputok...
me in love
Gusto kong makasaksi ng putukan.. ng magarbong fireworks display.. yung tipong kekelanganing magsuot ng shades sa tingkad ng mga nagtatawanang kulay at liwanag sa kalangitan...

Pero hindi... Iisang kakarampot na kwitis ang nasaksihan niya sa ere.. maliit, mababaw, walang kwenta..

umiyak siya.. umiyak siya ng umiyak.. dahil hindi nga naman kasi ganoon ang inaasahan niya.. Gusto niyang magreklamo. Gusto niyang magwala.. pero alam niyang wla siyang magagawa... Gusto niyang sisihin ang mga taong nagpaputok na hindi man lang sila nageffort. Gusto niyang sisihin ang sarili niya dahil umasa pa siyang matutuwa siya sa putukang hinintay niya buong araw, na animo'y pinaka malupit na ganti sa mga mapangaping tao.. gusto niyang maghimutok sa diyos dahil yun na nga lang ang hintay niya pero wala.. wala..

Kaya ang kawawang bata ayun sa sulok.. nagmumokmok.. kinakain ang plastik ng kanyang inubos na ice candy..

TRANSLATION: sabi nga ng kaibigan ko, "anu pa bang meron sa pagiging good guy kundi karma, reincarnation at heaven?" wala na diba?
7th-Sep-2009 10:45 am - I'm effing inlove with a Jane Doe..
me in love
I'm effing inlove with a Jane Doe.


.. she doesn't exist...

... she don't have a real name...

.... she don't have a face...

..... she don't have a personality... yet...


I love her..

I would die and live for her..

I would do anything for her..

I would make her happy..

I would make her the luckiest person alive..

I would listen to her..

I would be the best boyfriend ever..
4th-Sep-2009 03:13 pm - Wag kang malikot!
me in love
.. dahil baka tamaan ako.. at pag tinamaan ako, mahuhulog na ako ng tuluyan.... at pag nahulog na ako ng tuluyan, "sisiguraduhin kong kasama kita para pareho tayong masasaktan..." (Ramos, 2009)

.. dahil baka mapaso ako. At pag napaso ako siguradong magtutubig ito--masakit, mahapdi, nakakadiri.. at pagnagkataon, magmamarka ito at habang buhay kong dadalhin.

.. hindi ko marining yung tibok ng puso mo. ang laking misteryo sa akin niyan. Hindi ko mawari kung san gawa. Kung babasagin ba ito... kung gawa sa simento.. o talagang nagkukunwaring buhay pero matagal nang nakabaon sa hukay--naagnas, inuuod, nagiging pataba sa tigang na lupa...

.. hindi ako makapagisip. dahil kung hindi ako makapagisip, wala akong maiisusulat.. at pag wala akong maisusulat, wala akong maipupublish dito sa nalintiang entry ko..

.. dahil natatakot ako.. na baka sa writer's block na ito.. puro pangalan mo lang maisulat ko.. naku ang laki nanamang skandalo kung nagkataon..

.. dahil naririnig kong tinatawag ako ng boss ko.. nahuli ata akong nagfefacebook dito sa opisina.. sige na nga ila-like ko nalang yung status niya...

.. na bakanteng bakante ang biyernes ko.. wala akong gagawin.. kung sana katabi kitang antukin ka.. gumawa nalang tayo ng paraan.. o ng baby (blanco, 2009).. balita ko uso na raw yun ngayon..
This page was loaded May 26th 2012, 12:13 pm GMT.